‘The Twilight Saga: Breaking Dawn Part 2′ inirekomenda ng CBCP

KAHIT kuwento ng mga bampira at werewolves, aprubado at inirerekomenda pa ng film rating and classification board ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang finale ng phenomenal vampire series na ‘The Twilight Saga: Breaking Dawn Part 2.’

Ipinaliwanag ng Catholic Initiative for Enlightened Movie Appreciation (CINEMA) na ipinapakita sa vampire novel-turned-movie ang kahalagahan ng pamilya at kung paano nagsasakripisyo at ipinakikipaglaban ng isang tao ang kanyang mga minamahal.

Sa kanilang website, sinabi pa ng CINEMA na ang buong “Twilight series” ay hindi naman isang vampire story kung saan ang bampira ay pumapatay.

Sa halip, kuwento ito ng pagmamahal, pagtanggap, pamilya at sakripisyo, noong panahong mayroon pang mga bampira at werewolves.

Inirekomenda rin naman ng CINEMA na basahin ang nobela at panoorin ang pelikula nito dahil bukod sa kahalagahan ng pamilya, nakapokus rin ito sa kahalagahan ng kasal, at pangangailangang protektahan ang buhay mula sa sinapupunan pa lamang.

Ang moral assessment rating na ibinigay ng CINEMA sa nobela at pelikula ay 3.5 stars, o ranggong ‘acceptable at wholesome.’

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply