The voice

BROADCASTER na, public servant pa – jack of all trades na maituturing ang OFW sa Hong Kong na si Michael Vincent. Nasa Pilipinas pa lamang ay radyo na ang naging daan upang makapagtapos ng pag-aaral si Michael.

Dahil sa pagiging isang working student niya sa isang radio station, nakapag-aral siya ng kursong medical technician sa St. Louis University sa Baguio. Nang makapagtapos ay nagdesisyon siyang magtungo ng Maynila kung saan ay nakapagtrabaho siya sa Mellow Touch noong taong 1997 bilang isang disc jockey o DJ.

Bagama’t malayo sa kanyang kurso ang naging trabaho, ay nakitaan ng talento si Michael sa pagdi-DJ na naging daan upang mabigyan siya ng oportunidad na makarating sa Hong Kong at doon magtrabaho.

Ayon  kay Michael, hindi naging madali ang pagsisimula niya ng bagong buhay sa Hong Kong, sapagkat bilang isa sa mga unang Filipino DJ roon, matinding adjustment ang kinailangan niyang pagdaanan. “It was very hard. I wanted to prove to everyone na kaya ng Pinoy that even though second language natin ang English we’re able to master it and be greater,” wika niya.

Dahil na rin sa kanyang karanasan bilang dating DJ sa Pilipinas, bukod pa sa natural na talento, napansin ang kakayahan at pagsisikap niya, na naging dahilan upang ma-promote siya bilang programming director ng istasyong kanyang pinagtatrabahuhan.

Dito niya napasimulan ang pagseserbisyo sa publiko sa pamamagitan ng kanyang programang Pinoy Tayo Saan Man, kung saan kasama niya ang isa pang Pinoy Broadcaster sa Hong Kong na si Tita Kerry.

Ang nasabing programa ang nagsilbing tinig ng ating mga kababayan na naninirahan at nakikipagsapalaran sa nasabing bansa.

“Nakita ko yung kakulangan sa komunidad ng mga Filipino. There were Filipino programs then, more on entertainment. Pero para sa akin yung kakulangan dun yung public service. Yun yung ginawa ko,” aniya.

Ang programang Pinoy Tayo Saan Man ang naging hingahan at tagapakinig ng saloobin ng mga OFW sa Hong Kong, at naging daan upang mabigyan sila ng panibagong pag-asa. Ayon pa kay Michael ay nagkakaroon din sila ng mga outreach program sa mga home for the aged at local communities roon.

Bukod sa mga ito, abala rin siya sa pagboboses sa telebis-yon, commercial at maging sa mga cartoon character ng cartoon network.

Masasabing malayo na talaga ang narating ni Michael, subalit ayon sa kanya ay utang niya ang lahat ng kanyang tinatamasa sa mga taong tumatangkilik sa kanya at sa kanyang programa.

“I always owe this deep gratitude to the community kasi they’ve accepted us all this years, sa akin ang pinakamabigat na success is how people accept you- yung tulong na ibibigay mo sa kanila.” Wika niya.

Marami ang gustong tumulong, gayundin ang may kakayahang gawin ito subalit iilan lamang ang nabibigyan ng pagkakataon na gaya ni Michael, kung kaya’t nararapat lamang na samantalahin natin ang bawat pagkakataon na ibinibigay sa atin upang magawa ito.

*******

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan over-seas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi. Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply