Titser na umawat tigbak sa bayaw

crime3

NAGKABUTAS-BUTAS ang katawan ng isang titser nang pagbabarilin ng kanyang bayaw na inawat sa Camarines Sur, Biyernes ng umaga (Nobyembre 16).

Dead on the spot sanhi ng pitong tama ng bala ng kalibre 45 sa noo, pisngi at tiyan ang biktima na nakilala lamang sa pangalang Shirley, 28-anyos.

Hindi naman nabanggit sa ulat kung mayroon pang ibang tinamaan sa insidente.

Sumuko naman agad at nahaharap sa kasong homicide ang suspek na si Moises, 33-anyos na bayaw ng biktima.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng umaga malapit sa Camarines Sur National High School sa Naga City.

Bigla na lamang dumating sa lugar ang suspek at biglang nag-amok at namaril dahil sa suspetsang kinakaliwa siya ng kanyang misis.

Nagkataon naman na naroon si Shriley at tinangkang awatin ang kanyang bayaw pero siya ang pinagbabaril nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply