Tobacco smuggling lalala dahil sa sin tax

tobacco-smuggling

ISANG malaking “tax error” ang pagpasa ng Senado ng sin tax law na nagpapataw ng mahigit 12 porsyento sa bawat kaha ng sigarilyo.

Ito ang babala ni dating Manila Councilor ng 6th district at advocates ng kontrobersyal na ‘flat tax’ sa Senado na si Greco Belgica, na dadagsa ang tobacco smuggling sa bansa dahil sa pagsabatas ng sin tax law.

“The sin tax will not work. It is false hope. Hindi nito mapipigil ang bisyo—dahil ang bisyo nga ito. Ang drugs matagal nang bawal, pero lumalala dahil bisyo nga ito. Vices are personal decisions and a moral convictions. Papalakihin lamang nito ang smuggling ng sindikato sa mga sin products gaya ng sigarilyo at alak, “ paliwanag ni Belgica.

Ayon kay Belgica, dahil sa mataas na buwis sa sigarilyo at alak, posibleng gagawa ng paraan ang mga bigtime smuggler kung paano palulusutin ang mga kargamento ng sigarilyo at alak na siya namang hahatak pababa sa mga local tobacco industries.

“Hindi kasi makakakolekta ng tamang buwis ang gobyerno, dahil sa lalaki ang suhulan sa mga inspector at tax collector. Bukod dito, dadami lamang ang mawawalan ng trabaho, maraming magsasarang negosyo at hindi malayong mangyari ang lahat ng ito sa susunod na taon, “ ani Belgica

Sa kanyang isinusulong na ‘flat tax o ten percent tax lamang umano ang dapat kolektahin ng pamahalaan. May katiyakan pa na maraming mamamayan ang magbabayad at hindi na mandaraya ng buwis sa gobyerno. Maliban pa rito, lalaki umano ang maiuuwing take home pay ng bawat empleado sa kanyang pamilya.

Sa kasalukuyan, bukod sa income tax na pangunahing binabayaran ng isang empleado nagtatrabaho sa gobyerno at pribado, mayroon pang 12 taxes kinalakaltas tuwing suweldo sa mga mamamayan

Aniya sa dami ng buwis na kinokolekta ng gobyerno, wala pa sa kalahati ng pondo ang naibabalik para sa basic services sa mga mamamayan, dahil sa nauuwi lamang ito sa pagnanakaw ng ilang tiwaling politiko sa gobyerno.

Dagdag pa ni Belgica, ito ang dahilan kung bakit maraming personalidad ang nais pumasok sa politika dahil sa kanilang paningin na isang profitable business ang pagiging isang government official.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply