Top 5 sa licensure examination sa titser, may sakit na lupus

PRC

ILOILO CITY – Hindi naging hadlang para sa isang summa cum laude graduate na si Ruthell Moreno  ang pagkakaroon niya ng sakit na lupus, matapos na mapabilang siya sa top 10 sa inilabas na resulta ng Licensure Examination for Teachers (LET) ng Professional Regulation Commission (PRC).

Sa isang panayam, inihayag ni Moreno ang kanyang pasasalamat sa sagot sa kanyang dasal na makapasa at ibinahagi na halos hindi siya makapaniwala ng malaman na top 5 siya sa eksaminasyon.

Umaasa naman si Moreno na makapagturo kaagad siya para maibahagi sa mga kabataan ang kanyang angkin nalalaman sa kanyang tinapos na kurso.

Si Moreno ay nagtapos sa kursong Bachelor of Science in Elementary Education major in Special Education sa West Visayas State University.

Maliban kay Moreno, limang mga Ilonggo pa ang kabilang sa top ten na sina Mayshel Love Gallego Las Piñas na nasa top 6 at Elisha Beria Flores at Harriet Batisla-on Torrico na nasa top 9 sa elementary, Ariel Basal Mabansag ng University of the Philippines Visayas- Iloilo City na nasa top 5 at Juliet Bigbig Calinao ng West Visayas State Univeristy sa secondary.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply