Torrid kissing scene ni LT at Dingdong, pinakaaabangan!

dingdong-dantes

MAPANGAHAS ang bagong serye ni Dingdong Dantes dahil may laplapan sila ni Lorna Tolentino sa Pahiram Ng Sandali na magsisimula sa Nov. 26 kapalit ng Coffee Prince sa GMA 7. First time hawakan si Dong ng award winning director na si Maryo J Delos Reyes at aminado siyang nakahahawa ang intensity ng galing nina LT, Alessandra de Rossi, Mark Gil at Boyet De Leon.

“’Yung kumbinasyon po ng lahat ay dream come true po para sa akin bilang artista na mapasama sa proyektong ito,” deklara ni Dingdong.

Bagamat trailer pa lang ang napanood sa Pahiram Ng Sandali, marami na ang humuhula na baka masundan ang pagiging Best Drama Actor ni Dingdong sa Star Awards for TV nu’ng 2010 sa ‘Stairway to Heaven’.

Hindi ba siya nailang na makipaghalikan kay Ms. LT?

“More on kabado po talaga kasi ayaw ko po siyempreng magkamali. Dalawang takes lang ‘yun pero palit anggulo,” sey niya.

Torrid ba ‘yun?

“A..basta kailangan n’yong makita kasi pag ikinuwento ko wala na,” tugon niya.

Nilinaw naman ni Dingdong na wala silang eksenang pagulung-gulong sa buhangin habang naghahalikan.

-0o0-

UNANG Pasko na magkapiling sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban ngayong December, ano ang feeling ni Lloydie?

“Very happy. Sobra! Pero mas excited ako para sa kanya dahil first Christmas niya sa bago niyang bahay tapos buo silang pamilya, ‘yung kinalakihan niya. Uuwi ‘yung mga kapatid niya from the States. It’s going to be a very big, big celebration for Angel.”

Balitang niregaluhan na niya si Angel ng diamond ring at Mercedes Benz, ano ngayon ang balak niyang iregalo?

“Baka Joel Cruz Signatures na lang po. Lahat nasa kanya na po, e! Hindi ko pa po alam. Wala pa ako naiisip, e,” sagot ng  actor.

Basta sa mismong Christmas Day ay magkasamaa raw sila ni Angel.

Ano ang feeling na magkatambal sila ni Angel sa sa pelikulang 24/7 in Love?

“Parang hindi na siguro mauulit… Sa ngayon. ‘Yun ang sinasabi ko na for now. ‘Yun ang pinipili namin for now,” aniya.

Bukod sa episode nina John Lloyd at Angelica, tampok rin sa star-studded romance anthology na 24/7 in Love ang mga tambalan nina Piolo Pascual, Zaijian Jaranilla, at Xyriel Manabat;  Zanjoe Marudo at Bea Alonzo; Sam Milby at Pokwang; Diether Ocampo at Maja Salvador; Daniel Padilla at Kathryn Bernardo; at Kim Chiu at Gerald Anderson.

Mas gusto ni Lloydie na sana raw mga taga-ibang network naman ang maging leading lady niya. Pero babalikan niya muna ang third installment ng movie nila ni Sarah Geronimo.

-0o0-

KUNG humakot ng awards ang ABS-CBN 2 sa Star Awards for TV, ganon rin sa 11th Philippine Quill Awards kung saan nag-uwi ito ng pinakamaraming parangal sa mga TV network kabilang ang top award in communication skills division para sa website ng DZMM na dzmm.com.ph. kung saan ay ginawaran ng award of excellence. Dahil sa rami ng nakuhang panalo ng ABS-CBN, hinirang ito bilang 2nd runner up sa kategoryang company of the year.

Nakakuha rin ng isa pang award of excellence ang DZMM para sa taunang fun run or a cause nito na takbo para sa karunungan year 2012.

Panalo ng award of excellence ang Choose Philippines ng ABS- CBN Regional Network Group na naglalayong magbahagi ng bagong mga tourism spot sa bansa at para maikwento ng mga Pinoy ang kanilang sariling mga karanasan sa paglalakbay sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ang kapamilya hottie 2012 naman ng ABS-CBN Corporate Communications ay nanalo rin ng award of excellence para sa matagumpay na paghahanap nito ng pinakaseksing mga empleyado ng ABS-CBN para magsilbing ehemplo sa pagkakaroon ng malusog at maayos na pangangatawan

Panalo rin ng award of excellence ang ABS-CBN Creative Communications sa nilikha nitong Summer Station ID na Pinoy Summer Da Best Forever na siyang nagpamalas ng mga paniniwala at pagpapahalaga ng kapamilya network at nagpatunay rin sa papel nito bilang responsableng media entity.

Pinarangalan rin ang ABS-CBN para sa pagsagawa nito ng public viewing at tribute sa yumaong si Dolphy na Salamat, Tito Dolphy. Mabilisan nila itong naisagawa at napaghandaan sa loob lang ng 12 oras kung saan matagumpay agad nilang napagsama-sama ang pamilya, kaibigan, at katrabaho ni Dolphy maging ang mga kalabang tv networks at media organizations para i-cover ang event.

ABS-CBN ang pinakapinarangalang tv network ngayong taon sa Philippine Quill Awards sa 8 nitong panalo.

Bongga!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply