“Tour De Takong” sa Marikina tagumpay

MATAGUMPAY na naidaos ng lokal na pamahalaan ng Marikina ang “Tour De Takong” a.k.a  Stiletto Race na bahagi ng pagdiriwang ng Sapatos Festival 2012 ngayong ika-16 ng  Nobyembre sa kahabaan ng Shoe Avenue.

Tinatayang may 500 metrong takbuhan, ang karera ay nagsimula sa harap ng Teatro Marikina at magtatapos sa Cityhood Park.

Ito ay binuksan sa lahat ng kalalakihan at kababaihan, edad 18 pataas, at Filipino citizen, residente man ng Marikina o hindi.

Upang makasali, kailangang dumaan muna sa masusing pagsusuri ang mga kalahok upang  siguraduhing pasok sa mechanics ang kasuotan ng mga ito: anumang uri o disenyo ng

stiletto na ang takong ay may taas o sukat  na hindi bababa sa 3 pulgada (inches) at dulo

o tip na  hindi lalapad sa 1.5 centimeters ang diameter; hindi maaaring i-tape o idikit ang  stiletto sa paa ng kalahok. Ang edad ng kalahok, taas ng takong at diameter ng dulo o tip ng takong ay sinuri bago idineklara ang mga nanalo.

Kabilang sa mga nanalo ay sina: Janette Lumidao (1st place); Luisa Raterta (2nd place); at Nhiea Ann Barcena (3rd place) sa female category; at sina Gerard de Asis (1st place); Michael Marfil (2nd place); at Lowemer Estrella (3rd place). Samantala, ang mga nanguna sa takbuhan ay magkakamit ng medalya at premyong Php10,000 sa makakakuha ng unang pwesto; Php7,000 para sa ikalawang pwesto; at Php5,000 sa ikatlong pwesto.

Nakatanggap naman ng PhP 3,000 ang mga nagwagi ng special awards tulad ng Ma-shoe-nurin Award, Shoe-lelat Award, Shoe-per Star Award, Shoe-nique Award, Miss Shoe-niverse Award, at Shoe Sexy for this Race Award.

“Ang Stiletto Race na ito ay ginagawa hindi lamang upang maipakita ang ganda ng disenyo at tibay ng mga sapatos na gawa sa Marikina kung hindi upang magbigay saya at aliw din sa mga mamamayan,” wika ni Mayor Del De Guzman.#

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply