Tow away zone at pinipili ang hinihila

lily's-files-lily-reyes

BIBIGYANG-DAANG muli ng Lily’s Files ang ilan sa mga  tambak na text message at mga  nag- email ng kanilang mga reklamo at hinaing tungkol sa kanilang mga  employer o lugar ngunit tulad ng dati ay hindi na po natin babanggitin dito ang kanilang mga pangalan at cellphone number para na rin po sa kanilang kahilingan at proteksiyon.

Kung anoman ang mailalathala ng pahayagang REMATE,  iyon po ang mga nakasaad sa kanilang mga text messages at email sa inyong lingkod at wala po akong babaguhin o papalitang mga salita.

MAM LILY, bakit po rito sa bayan ng San Jose Panganiban, Cam Norte, hindi hinuhuli ang mga tao na mapera samantalang napakarami na po nitong kaso  at marami na po siyang napatay na tao. Bakit hanggang ngayon ay malaya pa ring nakapaglalakad itong si alyas Roben  Habitan. Bakit po pag walang pera ang isang tao kahit walang kasalanan hinuhuli, pero ang taong ito ay nasa labas pa rin.

GOOD day, Lily’s Files. Bakit po namimili ng hihilahing sasakyan ang towing service ng Quezon City, katulad na lang po ng ginagawa nila  rito sa Kamias Road kung saan ay hihilahin nila ang mga sasakyang nakaparada sa kalsada.

Ang nakapagtataka lang po ay kung bakit ‘yung mga sasakyan na nakaparada sa isang talyer dito ay hindi nila ginagalaw gayung lubha itong nakasasagabal sa kalsada at
nagiging dahilan ng traffic.

At noong isang umaga ay nasagot ang katanungan kong ito nang makita ko ang isang tauhan ng towing service na pumunta sa talyer  at kinuha  ang isang sobre  mula sa isang tao.

MABUHAY PO, Lily’s Files,  bakit nga tahimik kayong mga media  pagdating sa  kapalpakan ni PNoy? Dahil ba ayaw ninyong ma-pahiya sa ginawa ninyong pag-indorso sa kanya?

Parang marami pa yatang na-gawa at na-accomplish si Mrs. Ar-royo noong palitan niya si Erap. Patuwad na daan nga yata  ang mayroon tayo ngayon, hindi matuwid na daan…

MAGANDANG hapon po mam, baka po matulungan n’yo po ako at sa kapuwa ko mga driver. Kung puwede po linisin ‘yung kahabaan ng R-10 dahil sa marami po ang nakaparadang trailer .

May nakalagay na Tow Away Zone pero balewala lang ito sa mga pulis hanggang sa may  BIR Road palabas ng Roxas Blvd. Thanks at God bless po.

Bukas po ang Lily’s Files Column natin para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento,  mag-text lang po sa 09155683000  at  09087230036  o kaya ay mag-email lang sa … lpr_2012@ya-hoo.com …

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply