Traditional farewell visit ginawa na ni Bartolome

TULOY na ang nakaambang changing of guard sa liderato ng Philippine National Police bago o kaya ay pagkatapos ng Pasko dahil nagsimula nang magpaalam sa kanyang mga dating tauhan si PNP Chief Director General Nicanor Bartolome na ngayon ay nasa Mindanao.

Sinasabing nagsasagawa na si Bartolome ng kanyang traditional farewell visit sa mga PNP camps sa ilang bahagi ng bansa upang bisitahin ang mga opisayl at tauhan na nakasama nito mula sa kanyang pagiging isang First lieutenant matapos magtapos sa Philippine Military Academy.

Saubalit mariin namang pinabulaanan ni PNP spokesman C/Supt. Generoso Cerbo, hindi totoong nagpapaalam si Bartolome sa mga tropa dahil nasa official function ito at nagsasagwa ng kanyang regular na trabaho bilang pinuno ng pambansang kapulisan.

Magugunitang maagang nagdeklara si  DILG Secretary Mar Roxas na bago magtapos ang taon ay uupo na bilang bagong PNP chief si Deputy Police Director Gneral  Alan Purisima.

Nabatid na nagtungo si Bartolome sa Mindanao para magsagawa ng inspection at pagbisita sa mga tropa bukod sa isang official events na dadaluhan ng heneral sa North Cotabato.

Napag-alaman na bukas naman si Bartolome sa pagkakaroon ng maagang  turn over of command bago magtapos ang taong ito subalit wala pang definite schedule.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply