Trak na may kargang P1-M bigas hinaydyak

HINAYDYAK ng dalawang lalaki ang 16-wheeler truck na may lamang saku-sakong bigas na nagkakahalaga ng P1 milyonsa highway ng Barangay Mayamot, Antipolo City kaninang alas-dos ng madaling araw.

Nabatid na galing sa Isabela ang naturag trak na may kargang bigas at idedeliber sana sa Marikina City.

Ayon sa report sa radio, sinabi ni Josephine Gomez, may-ari ng  truck na hinarang, pinahinto at tinangay ng dalawang armadong lalaki ang truck (RDT-551) na may sakay na 850 sako ng bigas.

Hinahanap na ng Philippine National Police Highway Patrol Group ang naturang trailer truck.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply