Trak ng graba tumagilid sa Pasig; nagdulot ng trapik

NAGDULOT ng trapik ang pagtagilid ng isang 10-wheeler truck na may kargang graba sa paanan ng Bagong Ilog flyover sa Pasig City, Huwebes ng madaling araw.

Inabot ng halos apat na oras bago tuluyang naalis ang trak ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authoirity (MMDA).

Tinatayang 28 tonelada ng graba ang karga-karga ng trak na minamaneho ni Ferdinand Bukid.

Paliwanag ni Bukid, nagkaproblema ang kanyang air brake kaya bumangga siya sa center island dakong 3:00 ng madaling araw.

Ayon kay Bukid, sumalpok ang trak sa poste bago nagpagewang-gewang at tumagilid sa southbound lane ng flyover.

Hindi naman nasugatan ang driver at pahinante, pero nagdulot ng pagbibigat sa daloy ng trapiko ang bumalandrang trak at nagkalat na graba.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply