Trak sumirko sa Iloilo; 4 patay, 7 sugatan

crime3

APAT ang agad na namatay habang pito pa ang nasugatan nang sumirko ang isang trak na may kargang bigas sa Barotac Viejo, Iloilo, Lunes ng gabi (Nobyembre 19).

Dead on the spot sanhi ng tinamong kapansanan sa ulo at katawan ang mga biktima na sina Jose Peñaflorida, Franklin Jamillarin, Richard Consumo Jr. at Raul dela Cruz.

Isinugod naman sa Iloilo City District Hospital sanhi ng iba’t ibang tinamong kapansanan ang mga sugatan na biktima na hindi nakuha ang mga pangalan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidete dakong alas-9:30 kagabi sa national highway sa Barangay San Juan sa Barotac Viejo.

Bago ito, magdedeliber ang naturang trak ng 300 sako ng bigas sa hindi malamang destinasyon nang biglang mawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang hindi nakikilalang tsuper nito.

Lalo pang nagkaloko-loko ang takbo nang lumiko ang naturang trak sa isang kurbadang kalsada na nagresulta para ito ay bumaligtad.

Sa pagbaligtad, nadaganan ang mga namatay ng mga sako ng bigas kasama ang pitong sugatan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply