Trak vs traysikel; Mag-utol na paslit lasog, 6 sugatan

accident

NAGKALASOG-LASOG ang katawan ng magkapatid na paslit habang anim naman ang sugatan nang suwagin ng rumaragasang dum truck ang kanilang sinasakyang traysikel sa Negros Occidental kaninang umaga (Nobyembre 30)

Dead on the spot ang magkapatid na Jona Porque, 8-anyos at Jessie, 9-anyos kapwa elementary pupil ng Sta Cruz elementary School at residente ng Sta. Cruz.

Sugatan naman ang ina ng magkapatid na si Janet Aquino Porque, ang nagmamaneho ng traysikel na si Sanday Sarcino na may sugat sa ulo at nabali ang kanang paa, ang misis nitong si Maria Jenny Sarcino na may sugat sa katawan at ang kanilang anak na si John Mark na balian din sa paa.

Dalawa pang paslit ang sugatan din pero hindi nakuha ang mga pangalan.

Hindi naman nabanggit sa ulat kung tumakas o sumuko sa pulisya ang drayber ng dump truck.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong 6:45 ng umaga sa isang bisinidad sa Barangay Salvacion, Murcia, Negros Occidental.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Ernie Maquilan ng Murcia PNP, pumutok ang gulong ng tricyle na minamaneho ni Sandy at nagpa-ekis-ekis ang takbo sa bahagi ng highway kaya nabangga nito ang nakasalubong na dump truck na may kargang buhangin.

Papunta sana sa bayan ng Murcia ang tricycle upang maghatid sa mga estudyante na sasali sa parada para sa opening salvo ng kapistahan ng Immaculate Concepcion sa naturang bayan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply