Transport caravan ilulunsad sa Nobyembre 30

transport-caravan

LALAHOK ang maraming bilang ng mga tsuper at maliliit na operators sa malaking pagkilos na pangungunahan ng mga manggagawa sa ilalim ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa ika-149 na kaarawan ni Andres Bonifacio sa Nobyembre 30, 2012.

Ayon kay George San Mateo sa Nobyembre 30, 2012, sa ganap na 8:00 ng umaga ay magtitipon ang mga kasapi ng PISTON sa Welcome Rotonda dala ang kanilang mga pampasadang sasakyan.

Sa Welcome Rotonda ay magsasagawa programa na kung saan pupunitin ng mga driver at maliliit na operator ang isang replikang papel na naglalaman ng listahan ng mga problema ng sektor ng transportasyon gaya ng oil price hikes, overpricing, Oil Deregulation Law, VAT sa langis, Matataas na multa at parusa sa ilalim ng DOTC Dept Order 2008-39, RFID/E-Tagging, PUV Drivers ID, UV Express Year-Model Phase-Out, PUJ Phase Out, Franchise Bidding at iba pa.

Ang pagpunit ng mga drivers at maliliit na operators sa listahan ng kanilang mga problema ay ihahalintulad sa ginawang pagpunit niya Gat Andres Bonifacio at iba pang Katipuneros sa kanilang mga cedula bilang tanda ng kanilang paglaban.

Pagkatapos ng programa sa Welcome Rotonda, sisimula na ng mga tsuper at operators ang transport caravan ang PISTON patungo sa Plaza Miranda. Pagsapit sa Plaza Miranda ay magmamartsa ang mga tsuper patungong Liwasang Bonifacio upang sumanib sa hanay ng mga manggagawa. Mula sa Liwasang Bonifacio ay sama-samang magmamartsa ang mga manggagawa, drivers, maralita at iba pang mamamayan papuntang US Embassy upang kondenahin ang patuloy na pagyurak ng US sa soberanya ng Pilipinas dulot ng presensya ng mga tropang kani dito sa Pilipinas sa ilalim ng Visiting Forces Agreement gayundin ang patuloy na dominasyon ng US at iba pang ga imperyalistang bansa na may hawak at monopolyo/kartel sa industriya ng langis sa mundo kaya naman nagagawa nilang artipisyal na pataasin ang world oil prices sa kabila nang bagsak naman ang demand sa langis sa mundo at sobra ang suplay sa mundo.

Pagkatapos sa US Embassy magmamartsa naman ang mga manggagawa, mga drivers, maralita at iba pang mamamayan patungong Mendiola upang kalampagin si Pangulong Aquino sa patuloy na pagtaas sa presyo ng langis, bilihin, serbisyo at iba pa habang patuloy na binabarat ang sahod ng mga manggagawa at patuloy ang pagpapatupad ng kontraktwalisasyon sa hanay ng paggawa.

Sa araw ni Gat Andres Bonifacio ay kokondenahin ng PISTON ang sunud-sunod na pagtaas sa presyo ng langis at ang patuloy na kontrol ng Dayuhang Monopolyo sa industriya ng langis sa Pilipinas. At makikiisa ang PISTON sa naging pakikibaka ni Bonifacio at Katipunan na ituloy at ipagtagumpay ang pakikibaka para sa tunay na pambansang kalayaan at demokrasya sa Pilipinas.

”Kung buhay pa si Bonifacio, natitiyak namin na hindi niya papayagan ang presensya ng mga dayuhang tropa ng kano dito sa ating bansa at hindi din papahintulutan ni Bonifacio ang dayuhang monopolyo sa langis na dominahan at kontrolin ang indutriya ng langis sa Pilipinas. Natitiyak natin na kung buhay pa si Bonifacio ay isusulong nya ang pagsasabansa sa industriya ng langis at pagkakamit ng pambansang industriyalisasyon,” pagtatapos ni San Mateo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply