Transportasyon ngayong Undas tiniyak na ligtas

MULING tiniyak ng Department of Transportation and Communications (DOTC )na ligtas at maayos ang biyahe ng mga pasahero ngayong Undas.

Ayon kay DOTC Secretary Jun Abaya, ang pagtitiyak ay upang alisin ang agam-agam at makauwi ng matiwasay sa mga lalawigan ang mga Pinoy na dadalaw sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay sa sementeryo.

Kabilang sa tinututukan ng kagawaran tuwing Undas ay ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminals 1, 2, 3, at 4.

Batay sa tala ng DOTC, karaniwan ng umaabot sa mahigit 100, 000 ang mga pasahero sa NAIA tuwing may okasyon tulad ng Undas at Mahal na Araw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply