Travel agencies bawal mag-asikaso ng pasaporte — DFA

pasaporte

MARIING ipinahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagbabawal nila sa mga travel agencies na mag-asikaso sa pagkuha ng pasaporte ng kanilang mga kliyente.

Ito ang sinabi ni DFA spokesman Asec. Raul Hernandez, na kailangan na ng biometrics sa pagkuha ng pasaporte kaya kailangang personal na magtungo sa kanilang tanggapan o consular offices ang aplikante na kukuha ng pasaporte.

Nilinaw ni Hernandez na ang mga aplikante na idadaan sa biometrics ang pasaporte ay maaaring gawin sa mga extension offices nila sa mga malls.

Ang hakbang ng DFA ay upang maiwasan ang pamemeke ng pasaporte na nararanasan ng inosenteng aplikante.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply