Tren ng LRT1 nag-amoy usok sa Carriedo station; mga pasahero nag-panic

NAGKAGULO at nagtakbuhan palabas ng tren ang mga pasahero ng Light Rail Transit (LRT) 1 sa Carriedo Station sa Maynila makaraang umusok ito.

Nabatid na nakaamoy ng usok ang mga pasahero sa naturang tren na galing sa Monumento at patungong Baclaran nang makarating ito sa Carriedo.

Dahil dito, isang pasahero ang pumindot ng emergency break at nabuksan ang emergency door dahilan upang mag-panic ang mga nakasakay.

Maagap namang naisaayos ang sitwasyon kung saan inilipat ng ibang tren ang mga pasahero upang maituloy ang biyahe patungo sa kanilang destinasyon.

Dinala naman sa Central Station ang umusok na tren at patuloy na sinusuri.

Ayon LRT Authority (LRTA) Spokesman Hernando Cabrera, posibleng nag-overheat ang brake system.

Wala namang iniulat na nasaktan sa nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply