Tricycle driver binoga, dedo

DEDO ang isang tricycle driver matapos itong malapitan at patraydor na barilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang naglalakad kaninang madaling araw Nov. 25, sa DM Compound, Caloocan City.

Dead on arrival sa MCU hospital si Bernard Satulan y Arensano, 35, binata, driver ng 1346 Del Heroes 96 ng lungsod, sanhi ng isang tama ng di pa batid na kalibre ng baril sa batok.

Mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang salarin dala-dala ang ginamit na baril..

Ayon sa ulat, dakong ala 1:00 ng madaling araw ng maganap ang insidente sa loob ng nasabing compound .

Nabatid na naglalakad pauwi ang biktima matapos mamasada nang sundan ng suspek at pagbabarilin.

Dinala ang biktima sa nasabing ospital subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ng hininga.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam ang tunay na motibo sa nasabing pamamasalang.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply