Tricycle sumalpok sa bus, mag-asawa todas

NASAWI ang mag-asawa makaraang sumalpok ang sinasakyan nilang tricycle sa isang pampasaherong bus sa  Del Rosario, Naga City kaninang madaling araw.

Nabatid na pauwi na ang mga nasawi na sina Alona at Bartolome Babylonia pasado alas-4:00 ng madaling araw galing sa pamamalengke sa bayan ng Pili nang maganap ang aksidente.

Nag-overtake umano ang sinasakyan ng mga biktima sa isa pang sasakyan ngunit nagpang-abot ang tricycle at ang Alps bus na minamaneho ni Arturo Araneta, patungong Tabaco, Albay at sumalpok ito.

Sa lakas ng pagbangga tumilapon sa kalsada ang mag-asawa na ikinabasag ng bungo ng mga biktima.

Agad namang sumuko sa mga awtoridad ang driver ng bus habang patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng awtoridad.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply