Trike swak sa bangin; stude dedo, 11 kritikal

crime6

TODAS ang isang estudyante habang 11 pa ang malubhang nasugatan nang mahulog ang kanilang sinasakyang traysikel sa bangin sa Albay, Huwebes ng hapon (Nobyembre 22).

Dead on the spot sanhi ng tinamong kapansanan sa ulo at sa katawan ang biktimang si Marilou Corpuz, 17-anyos at 4th year high school student ng Bantayan National High School.

Nasa kritikal na kondisyon naman sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) at sa isang pribadong ospital sanhi ng tinamong kapansanan sa ulo at katawan ang dryaber ng traysikel na si Sonny Arsigabon, 19-anyos at ang may 1o pang estudyante na hindi nakuha ang mga pangalan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-5:20 nitong Huwebes ng hapon sa national highway sa boundary ng Barangay Oras at Suwaigot sa Tabaco City.

Bago ito, nabatid na pauwi na mula sa eskuwelahan sa Albay ang mga biktima na nagsisiksikan ang lahat sa traysikel ni Arsigabon.

Pero pagsapit nila sa Barangay Suwaigot, marahil sa kabigatan o overcrowded ay biglang pumutok ang isa sa mga gulong ng naturang traysikel.

Dahil ang unahang gulong ang sumabog, nawalan ng kontrol sa manibela si Arsigabon kaya biglang bumulusok ang kanyang traysikel sa bangin.

Dahil sa malagim na insidente, inihahanda na ang patong-patong na kaso na maaaring isampa laban sa nasabing driver.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply