Trike driver binoga sa ulo, dedbol

trike-driver-binoga

TODAS ang isang tricycle driver makaraang barilin sa ulo ng kanyang pasahero sa Quezon Cit, Sabado ng madaling araw.

Namatay noon din ang biktima na si Abner Onido, 42, ng Barangay Sta. Lucia Fairview, QC, dahil sa isang tama ng bala ng baril sa kanang sentido.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Station 5 Lagro naganap ang pamamaril dakong alas-12:30 ng madaling araw sa kahabaan ng Visayas St., Brgy. Sta. Lucia, Novaliches QC.

Sinabi ni PO2 Julius Cesar Parajas na nagpahatid ang suspek na nagpanggap na pasahero sa biktimang si Onido sa minamanehong nitong tricycle (4094-IU)  sa J. P. Sta Lucia, Fairview.

Pagdating sa lugar nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa hanggang sa barilin suspek ang biktima.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek at iniwan ang duguang  biktima.

Nakuha naman ng mga pulis sa crime scene ang mga basyo ng kalibre .9 mm na baril.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply