Trike driver binurdahan, patay

crime-scene-chalk-mark

TODAS ang isang tricycle driver matapos pagsasaksakin ng hinhinalang miyembro ng gang sa Malvar St., Bagong Barrio Caloocan City, Miyerkules ng gabi (Nobyemre 28).

Hindi na naisalba ang buhay ni Erwin Calugay y Cue, 29, ng DM Compound Del Heroes 96 sa MCU Hospital dahil sa mga timanong malalalim na saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang suspek na sinasabing kasapi ng “sawako gang” na naghahasik ng kaguluhan sa nasabing barangay.

Ayon sa ulat, dakong alas-5:55 kagabi nang maganap ang krimen sa kahabaan ng Malvar St. sa nasabing barangay.

Nabatid na sinabayan sa paglalakad ng suspek ang biktima at walang sabi-sabing inundayan ng mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Kahit duguan na ang biktima ay nagawa pa nitong makatakbo sa barangay hall para humingi ng tulong. Agad namang itinakbo ang biktima sa naturang pagamutan ngunit binawian rin ng buhay.

Inaalam ng mga awtoridad ang tunay motibo ng nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply