Trike driver kasabwat ng mga holdaper

KULONG ang isang tricycle driver matapos isangkot ng pasahero na kasabwat ng mga holdaper sa Navotas Martes ng madaling araw.

Nakilala ang suspek na si Christopher Ignacio, 24 ng Phase 2, North Bay Boulevard South ng lungsod habang pinaghahanap sina alyas Pupong; Ronald at isang hindi pa kilalang kasama.

Base sa ulat, dakong alas-12:05 ng madaling araw, sakay ni Ignacio si Erna De Parine, 36, negosyante at pagsapit sa C-3 road NBBS ay napansin ng biktima na bumagal ang takbo ng tricycle.

Ilang sandali pa ang lumipas ay isang tricycle ang humarang kung saan bumaba ang tatlong suspek at tinutukan ng baril ang biktima.

Kinuha ng mga suspek ang belt bag ng biktima na naglalaman ng P30,000 at bago nagsitakas ay isa sa mga suspek ang tumapik pa sa balikat ni Ignacio.

Nang wala na ang mga suspek ay nagpahatid ang biktima kay Ignacio sa Frabelle sa Caloocan City.

Pumasok sa loob ng gusali ang biktima sabay tawag sa kapatid upang humingi ng tulong sa mga pulis at nang respondehan ay dinakip si Ignacio.

Nabatid na ilang Linggo pa lang suki ng biktima si Ignacio at alam ng huli na laging may dalang pera ang una.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply