Driver na gumahasa’t pumatay sa tineydyer sa Isabela, tinutugis

HINAHANTING na ngayon ng pulisya ang isang adik na trike driver na gumahasa at pumatay sa isang high school student sa Roxas, Isabela nitong nakaraang Martes.

Tatlong police tracker team ang binuo ng Roxas PNP para sa lalong madaling malambat at panagutin sa krimen ang suspect na si Rolando Esguerra, 47 anyos, na ngayon ay pinaniniwalaang nagtatago sa kabundukan ng Isabela.

Nito lamang nakaraang Martes ng gabi, natagpuan ang bangkay ng biktimang si Diana Rose Bajo, 15-anyos, 3rd year high school student, na may 18 saksak sa iba’t ibang parte ng katawan sa isang irrigation canal sa Barangay Rang Ayan, Roxas town.

Lumabas sa pagsisiyasat na bago ang pagkakadiskubre sa bangkay, ay sumakay ang biktima at ang kanyang kaibigan na si Vilma Estevez, 15-anyos, sa traysikel ng suspect na si Esguerra.

Imbes dalhin sa kanilang destinasyon, dinala ni Esguerra ang dalawang magkaibigan sa deserted irrigation road at doon pinagmomolestya.

Nanlaban si Estevez kaya sinaksak ng suspek sa kanang bahagi ng kanyang katawan. Sa kabila nito, nakatakbo si Estevez at nakahingi ng tulong sa mga residente na nagdala sa kanya sa ospital.

Kinabukasan, natagpuan ang bangkay ni Bajo na may 18 saksak sa katawan na nakahandusay sa tabi ng irrigation canal.

Hinihintay pa ng Scene of the crime operatives ang resulta ng awtopsiya sa bangkay ng biktima para makumpirma kung ito ay ginahasa bago siya pinatay.

Nitong nakaraang linggo lamang, pinatay din ng dalawang adik sa droga si Cyrish Magalang, isang University of Santo Tomas graduate who was also slain by two drug-crazed brothers na sina Rollin at Roerl Gacita Jr, na isang tricycle driver, sa Bacoor, Cavite.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply