Trike driver pinagbabaril, todas

RIZAL– Patay ang isang tricycle driver matapos na pagbabarilin ng dalawang lalake na parehong armado ng maiikling baril habang nakaupo sa kanilang terminal kaninang tanghali sa bayan ng Taytay.

Kinilala ni Taytay chief of Police P/Supt. Danilo Bacas ang biktima na si Alvin Mendez,23 anyos, binata, residente ng ng Pinesville Subd. Brgy. Dolores ng nasabing bayan.

Kaswal namang naglakad palayo ang dalawang suspek patungo sa gawi ng Antipolo City matapos masigurong patay na ang biktima.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-12:15 ng tanghali sa Pinesville road, Manggahan, Brgy. Dolores, Taytay, Rizal.

Nabatid na nakaupo ang biktima kasama ang tatlo pang tricycle driver nang biglang lumapit ang dalawang suspek at agad na pinagbabaril ang nakatalikod na biktima.

Ayon sa testigo na si Narcing Montero, nagbibiruan sila ng biktima nang bigla siyang makarinig ng sunod-sunod na putok at nang lingunin niya ay tinutukan siya ng isa sa mga suspek at sinabihang tumakbo na.

“Nagbibiruan kami ni Alvin tapos bigla na lang may sunod sunod na putok at nang lumingon ako ay tinutukan din ako kaya nagmakaawa ako at nagsabi na hindi ako kasali” ani Montero.

Nabatid pa sa kanyang mga kasamahan na wala naman silang nalalamang kaaway ang biktima sa lugar maliban sa pagiging tricycle driver nito at caretaker ng ilang lupa sa nasabing lugar.

Inaalam pa nang Taytay Police ang iba pang maaring anggulo sa naganap na pamamaslang.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply