Trike driver tinarakan ng ex-con, kritikal

NASA kritikal na kondisyon hanggang ngayon ang isang tricycle driver matapos pa-traidor na saksakin ng isang ex-convict sa Pasay City.

Nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital (PCGH) sanhi ng isang malalim na saksak sa kanang bahagi ng tagiliran ang biktima na kinilalang si Rejinald Paredes, 31, binata residente ng 307
G.Villanueva St. ng naturang lungsod.

Agad tumakas ang suspek tangay ang patalim na ginamit sa biktima na kinilalang si Robert Estrella alias “Obet” nasa hustong gulang residente ng Tengco St.ng naturang lungsod.

Base sa imbestigasyon ni SPO1 Ricardo Mallong Jr.ng Criminal Investigation Division(CID) ng Pasay City Police, 1:15 kaninang madaling araw ng maganap ang pananaksak sa biktima sa kanto ng Tengco at Zamora St. sa nabanggit na lungsod.

Nabatid na ang biktima at ang suspek ay dati ng may-alitan sa naturang lugar nang biglang tarakan ng saksak ng suspek ang biktima sa tagiliran.

Kaagad isinugod ng kapwa Tri-driver ang biktima habang pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek sa loob ng sementeryo sa Sto Nino na ayon sa ilang istambay na nakakitang doon nagtatakbo matapos saksakin ang biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply