TRO sa diskuwalipikasyon ng 4 partlylist inilabas ng SC

NAGPAHAYAG ng kahandaan ang Commission on Elections (Comelec) na sumunod sa kautusan ng Korte Suprema na pumipigil sa implementasyon ng kanilang kautusan na nagdi-diskuwalipika sa apat na party-list group sa 2013 midterm polls.

Ayon kay Comelec Commissioner Rene Sarmiento, umaasa silang sa Enero, 2013 ay madedesisyunan na ng Korte Suprema ang merito ng kaso.

Gayunman, kung matapos na ang Enero at hindi pa rin madesisyunan ang main case ng petisyon ay isasama na sa mga ililimbag na balota ang pangalan ng Ako Bicol (AKB), Association of Philippine Electric Cooperatives (APEC), 1st Consumer’s Alliance for Rural Energy Inc. (1CARE), at Alliance of Rural Concerns (ARC).

Nabatid na itinuturing ng Comelec na ‘crucial period’ ang Enero ng susunod na taon dahil ito rin ang simula ng configuration ng mga ililimbag sa balota.

Sinabi naman ng Korte Suprema na target nilang madesisyunan ang merito ng consolidated petition bago ang Pebrero 12, 2013 na siyang simula ng campaign period.

Tiniyak naman ni Sarmiento na anuman ang magiging pinal na desisyon ng Korte Suprema ay nakahanda naman silang sumunod dahil nauunawaan naman aniya nila na maayroong proseso na dapat sundin hinggil rito.

Una nang sinabi ng Comelec na ang AKB, APEC, 1CARE at ARC ay hindi naman kumakatawan sa marginalized sector sanhi upang hindi nila payagan itong lumahok sa 2013 midterm polls.

Dumulog naman sa Mataas na Hukuman ang mga nasabing party-list group at iginiit na umabuso sa kapangyarihan ang Comelec dahil hindi sila nabigyan ng due process ng basta na lamang alisan ng akreditasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply