Truck tumagilid sa Quezon Ave

TUMAGILID ang isang trailer truck na may kargang marmol sa may kahabaan ng Quezon Avenue, Quezon City.

Batay sa ulat sa telebisyon ngayong umaga, halos sinakop ng tumagilid na truck (plakang UVZ 516) na galing sa Edsa ang isang lane sa nasabing lugar.

Nabatid na may iniwasang pasahero ang drayber kaya’t nawalan ng kontrol at tumagilid.

Ayon pa sa ulat, tumagas ang diesel ng truck na nagresulta upang maging madulas ang kalsada sa nasabing lugar.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply