Trusted man ni Noynoy tinopak sa bar!

MATINDI pala ang toyo sa ulo ng isang trusted man ni Pangulong Noynoy. Kapag normal ang pag-iisip, sobrang pino at parang santo. Maluluma sina San Lorenzo Ruiz at Pedro Calungsod.

Sabi nga ng mga matatanda sa una, halos hindi makabasag ng pinggan kung iyong pagmasdan. Pasintabi po sa gagamitin kong word. Mahinhin sa harapan, “mahihindutin” sa talikuran! Pero kapag nasayaran na ng alkohol ang lalamunan, nag-iibang anyo na parang nagkatawang tao ang isang lasenggong walang modo.

Hanggang ngayon ay usapan pa rin sa mga bar sa The Fort ang pagwawala ng bata ni Noynoy na itatago natin sa alyas na Mr. Z  as in Zonbya!

Nagkagulatan pati ang mga tauhan sa bar na sanay naman nang makakita ng tinotopak na lasshing dahil ang taong mistulang nag-aamok sa kanilang harapan ay kilalang dignified na nilalang.

Ayon sa mga nakausap natin, habang nakikialam si Mr. Z sa mga plaka sa DJ’s booth, pinasukan ng alakdan ang utak, hinubad ang kanyang damit as in, nakahubad habang nagsisigaw ng “yo, men, yo, break it down!” Umasta pang DJ ang baliw!

Sino ang Mr. Z na ito? Ang clue, anak siya ng tatay niya!

***

May isinusulong na panukalang batas na magpapataw ng parusa sa mga balimbing sa pulitika. Ito iyong kung tawagin ay political prostitute na palaging nakasuso kung saan may mapipigang gatas. Kung totoong magkakaroon ng ganitong batas, mauubos ang mga pulitiko.

Ang suggestion natin na parusa sa mga palipat-lipat ng partido, puputulan ng isang daliri sa tuwing lilipat para madali nating bilangin kung ilang beses na siyang nagpapalit-palit at nagpalipat-lipat. May kakilala nga akong mayor na dapat ay ubos na ang daliri sa dami ng partidong sinamahan!

***

Saan ka naman nakakita ng  mahigit dalawang milyong pisong halaga ng low-cost housing? Palagay ko may elevator, wall-to-wall carpet at censor-surround ang lahat ng pintuan ng housing project na ito na ginawa sa panahon ni dating Cavite Governor Ayong Maliksi pa-ra malipatan sana ng mga residenteng  maaapektuhan ng LRT extension.

Kailangang maipaliwanag ni Ka Ayong kung bakit 81 units pa lamang ang naipatatayong bahay gayong P500 milyon pala ang budget na ibi-nigay ng LRT para sa dalawang libong units ng bahay.

Kunsabagay, baka naman talagang matagal gawin ang bahay dahil bukod nga sa napakarami, kailangan pang lagyan lahat ng elevator ang bawat 25 square-meter na housing unit para hindi mahirapan ang mga kababayan nating informal settler.

***

Kailan lang ay may photo ops sina DOTC Secretary Abaya at Airport GM Honrado sa loob ng isang banyo ng paliparan. Ang tindi ng pagmamalaki ni Secretary na maayos na ang comfort rooms sa mga paliparan bilang tugon sa category sa atin na worst airport in the world.

Pero nito lamang long weekend for Undas, nadiskubre natin na marami pa ring gripo ang sira sa departure area ng NAIA 2. Sa tatlong gripo na ating sinubukan, isa lang ang gumagana.

Kung hindi pambobola  sa publiko ang ginawang ito nila GM Honrado at Secretary Abaya, hindi ko na alam kung ano ang puwedeng ita-wag dito.

allanpunglo@yahoo.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply