Tserman, misis at negosyante nakaligtas sa ambush

NAKALIGTAS sa pananambang ang isang barangay kapitan, asawa nito at isang negosyante sa Malabon City, Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Gary Bernardo, 44, barngay chairman ng San Agustin; asawa nitong si Maria Victoria Siochi Bernardo, 42, ex-O  Brgy Ladies brigade ng Don Basilio St., Dampalit; at ang negosyanteng si Ronnie Sengco, 39 ng Baritan ng nasabing lungsod.

Mabilis namang tumakas ang tatlong hindi pa nakikilalang armadong kalalakihan patungong Sanciangco St. na tinatayang nasa pagitan ng 35 -40 anyos ang mga edad at pawang naka-short pants, T-shirt na puti at naka-bull cap.

Base sa pinagsanib na imbestigasyon nina SP01 Edsel Dela paz at SP01 Redenter Antala, Jr., ng Station Investigation Division (SID) ng Malabon police, ganap na alas-3:15 kaninang madaling araw nang maganap ang pananambang sa mga biktima sa tapat ng Dampa Bar and Restaurant sa nasabing lugar.

Nabatid, na sakay ang mga bikitma sa isang Starix Van na kulay gold at habang palabas sa compound ng Electronic Games shop agad silang pinaputukan.

Hindi nawalan ng lakas loob si Bernardo agad at nagbunot ng kanyang kalibre .45 na baril at ginantihan ng putok ang mga suspek na mabilis na nakatakas.

Nakarekober ang tauhan ng Scene of Crime Opiratives (SOCO) ng mga empty shell ng kalibre 45 na ginamit sa pamamarill.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalaman kung anong tunay na motibo sa nabigong pagpatay sa nasabing barangay chairman.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply