Tulak laglag sa parak

NATAPOS na ang pagtutulak ng shabu ng isang binata matapos madakip sa isinagawang buy-bust operation sa Malabon City kagabi, Nobyembre 7.

Nakilala ang suspek na si William Monteverde, 42 ng E. Martin St., Santolan ng lungsod.

Nabatid na may nagnguso sa suspek na nagtutulak ito ng shabu na naging dahilan upang magkasa ng drug operation sa nasabing lugar dakong alas-8:30 kagabi.

Nang iabot ng suspek ang isang sachet ng shabu kapalit ng P500 sa pulis na poseur buyer ay agad na dinamba ang una at dinala sa presinto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply