Tulfo brothers kinasuhan na prosekutor pumabor kina Raymart at Claudine

claudine-ad-raymart

KINASUHAN na ang mag-uutol na sina Ben, Raffy at Erwin Tulfo ng TV5 show “T3” sa Quezon City court dahil sa pagbabanta sa buhay ng celebrity couple na sina Raymart Santiago at Claudine Barretto na napanood sa national television, isang araw matapos ang kanilang kapatid na si Ramon ay nasangkot sa airport brawl sa mag-asawa noong nakaraang Mayo.

Anim na buwan matapos ang insidente, inirekomenda na ni assistant city prosecutor Rowena Balagtas ang pagsasampa ng kaso laban sa tatlong magkakapatid, na ang kanilang palabas ay sinuspinde ng tatlong buwan ng Movie Television Review and Classification Board sanhi ng kanilang ‘on-air remarks’.

Kasong grave threats ay isinampal laban sa Tulfo brothers, tig 2 counts para kina Erwin at Raffy, one count para kay Ben sa Quezon City Metropolitan Trial Court nitong nakaraang Biyernes. Ang kanilang kapatid ay isang kolumnista ng Philippine Daily Inquirer.

Napansin ni Balagtas na ang demeanor, tone at facial expression ng mga respondents ay nagpapakita ng banta sa taong kanilang pinagtutunan ng pansin.”

“The threats uttered by the respondents alluded to the infliction of physical harm upon the complainants (Santiago and Barreto) … The threats were consummated as soon as complainant spouse heard the statements of the respondents on TV on May 7, 2012,” tpahayag ng prosekusyon sa isang resolusyon.

Gayunman, ibinasura ni Balagtas, ang kasong slander laban sa Tulfo brothers sanhi ng lack of merit.

Nag-igting ang kaso mula sa May 6 brawl sa pagitan ni Ramon Tulfo at ng Sanstiago couple na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 mula sa pagbabakasyon. NAgsimula ang bakbakan nang sitahin ni Claudine si Ramon dahil sa pagkuha nito ng video habang binubungangaan nito ang isang airline employee.

Sa kanya pang resolusyon, napansin din ni Balagtas na dinedma ng Tulfo brothers ang pagdinig at hindi rin sila nagsumite ng kanilang counter-affidavits sa kabila ng ipinaalam ito sa kanila sa preliminary investigation ng reklamo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply