Tulfo brothers naghain ng mosyon kontra warrant of arrest

tulfo-brothers-upper-photo

UMAPELA ngayon sa Quezon City court sa pamamagitan ng kanilang abogado ang magkakapatid na broadcasters na sina Erwin, Raffy at Ben Tulfo para sa isang omnibus motion para hindi sila maisyuhan ng warrant of arrest habang humihiling ng muling pag-iimbestiga sa mga kasong isinampa ng showbiz couple na sina Raymart at Claudine Santiago laban sa magkakapatid.

Nauna rito, nabigo umano ang Tulfo brothers na makapagsumite ng kanilang kontra salaysay kaugnay sa kasong grave threats na isinampa ng mag-asawang Santiago noong preliminary investigation.

Sa tatlong pahinang mosyon na inihain ni Atty. Nelson Borja, hindi, aniya, dapat kuwestiyunin ang kaniyang mga kliyente sa hindi nila pagsipot o pagsumite ng kontra salaysay sa preliminary investigation dahil wala naman natatanggap na subpoena ang magkakapatid at hindi man lang naimpormahan ang programang T3  sa ere ng  TV 5 kaugnay sa pagdinig.

Ayon pa kay Borja, sa ngalan ng principle of due process, may karapatan ang Tulfo brothers na mabigyan ng kopya ng reklamo, affidavits at iba pang dokumento at karapatang makapagsumite ng kanilang counter affidavits at ibang dokumento para sa kanilang depensa.

Karapatan din, aniya, ng kaniyang mga kliyente ang maisalang sa preliminary investigation at kung papayagan man ng korte ay hihilingin din nila ang karapatan para mabago at mapalitan ang findings ng investigating prosecutor.

Nag-ugat ang nasabing kaso laban sa Tulfo brothers matapos ang nangyaring sapakan sa NAIA Terminal 3 na kinasangkutan ng nakakatandang kapatid na si Ramon at ng mag-asawa noong  May 6, 2012 matapos kunan ng video ng huli si Claudine habang minumura ang isang attendant ng paliparan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply