Tulong sa OFW na namatay sa Seoul, tiniyak ng DFA

HINDI nag-atubili ang pamahalaan sa pagtulong sa pamilya ng overseas Filipino workers (OFW) na namatay sa Seoul, South Korea, matapos malaglag ang elevator na sinasakyan nito.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) spokesman Asec. Raul Hernandez, hawak ng Overseas Worker Welfare Administration (OWWA) ang kaso ng OFW at tutulungan nito ang pamilya, kahit napag – alaman na hindi na miyembro ng OWWA ang namatay na OFW.

Sakali naman umanong hindi tumulong ang employer sa pagpapa-repatriate sa labi, maaring gamitin ang pondo ng Department of Foreign Affairs.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply