Turistang Pinay patay sa aksidente sa Cambodia

NAMATAY ang isa sa tatlong turistang Filipino matapos maaksidente ang kanilang saksakyan sa Cambodia.

Ayon sa ulat ng Philippine embassy, isa ang 26-anyos na Pinay sa tatlong turistang Pinoy na lulan ng sasakyan nang bumangga sa isang rumaragasang ambulansya.

Sa kasalukuyan inaalam pa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang buong detalye kaugnay ng nabanggit na aksidente pati na ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

Sinabi ni Administrative Officer Norman Torneros ligtas ang dalawang Pinoy at nakauwi na sa Pilipinas habang inaasahang sasusunod na linggo pa maiuuwi ang  ang labi ng naturang Pinay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply