Tuturuan ko si Sen. Sotto; Gen. Espina bulag sa sugal

NATATANDAAN pa ba ninyo kung kaninong campaign ads noong nakaraang halalan ang nagsasabing “bahala sa inyo si Bro . . . tutulungan kayo ni Bro.”

HINDI ang buong istorya, pero kahit mga detalye lang ang aking hiniram ay sasabihin ko ang source bilang respeto sa tunay na may-ari nito.

Nang maturuan na rin si Sen. Sotto kung paano magrespeto sa tunay na authors!

Heto: Noong isang araw ay isinulat ko na maliban sa itinagalog na “speech” ni dating US Sen. Robert Kennedy ay nauna nang nangopya si Sen. Sotto ng pangungusap mula sa isang blogger.

Mali ako, parekoy, maling-mali! Dahil nabasa ko sa “Inquirer” na maraming beses na palang ginawa ni Sen. Sotto ang pangongopya!

Nakasanayan na pala!

Ayon sa Inquirer, ang post ni Sarah Pope mula sa statement ni Natasha Campbell McBride ang unang hinarbat ni Sotto noong Agosto 13.

Noong Agosto 15, ang mga post naman nina US bloggers Marlon C. Ramirez, Peter Engelman at Janice Formichella at maging ang resulta ng “study” ng CFAM ay dinikwat din pala ni Sen. Sotto!

Tsk, tsk, tsk, nakahihiya ka naman sir! Baka ikaw pa ang maging idol ng mga estudyante sa tuwing mangongopya sila!

‘Yan kasi, pilit na nagkukunwari na kaya niyang idepensa sa debate ang isang isyu na wala naman palang alam.

Tapos may paturno-turno en contra ka pa! Hmp, bwisit!

-o0o-

BAGAMAT kalat ang iligal na sugal sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila, pero hindi ito ang ibig kong sabihin sa pamagat na “bulag” si NCRPO Chief Gen. Leonardo Espina sa sugal.

Nauna rito, ilang ulit na nating inilathala ang ginagawang pangongolekta mula sa mga iligalista ng mga pulis na sina Jiggs at Jun Bernardino dahil sa utos ni Col. Lee na nagsasabing bagman ni Gen. Espina!

Ang ‘Monday collection’ na nasa 2 milyong piso, ayon kay Col. Lee ay inihahatid niya sa opisina ni Gen. Espina.

Ito, parekoy, ang sinasabi kong bulag si Gen Espina, dahil hindi ako naniniwalang alam niya ang kabulastugang ito.

Ibig sabihin ay bulag siya!

Pero ngayong paulit-ulit natin itong inilalathala, ang tanong, gugustuhin kaya ni Espina na manatili siyang bulag?

-o0o-

REACTION / SUMBONG
09152121303/09098992775
jabriones10@yahoo.com

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply