Tuwid na landas, slogan lang kung ‘di maipapasa ang FOI bill

MANANATILING slogan lamang ang ‘tuwid na landas’ ni Pangulong Noynoy Aquino hangga’t hindi nakapapasa ang Freedom of Information (FOI) Bill, ayon kay Manila Auxillary Bishop Broderick Pabillo.

Sabi ni Pabillo, nakasalalay kay Pangulong Aquino ang pagpasa ng FOI Bill kung gugustuhin talaga ng pangulo na magkaroon ng tunay na reporma sa pamahalaan.

Aniya, gagawin ng Pangulo ang lahat kung gusgustuhin para makapasa ang FOI Bill.

Iginiit ni Pabillo na hanggat hindi nakapapasa at naisasabatas ang FOI Bill, mananatili lamang na slogan ang “tuwid na landas.

Samantala, dumistansya si Aquino sa mga panawagang
ipasa na ang FOI Bill na nakabinbin pa rin sa Kongreso.

Una nang iginiit ng mga militanteng grupo na gamitin ng Pangulo ang kanyang impluwensya sa mga kaalyadong kongresista upang ipasa na ang panukalang batas kung totoong seryoso ito sa kampanya kontra katiwalian.

Ayon kay PNoy, hindi niya sigurado kung kayang ipasa ang FOI Bill, dahil mahirap anyang maparatangan na diktador.

Sa kabilang banda, kung hindi naman siya magre-react ay paparatangan siyang walang interes sa panukala.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply