Umaalingasaw ang buong Karingal

bong_padua1

Speaking of tongpats, tumataginting na P2.5 million kada-buwan, ayon sa aking source, ang iniaakyat sa opisina ng director ng Quezon City Police District  ng isang nagngangalang ‘Rocky’, kilalang tong collector expert.

Ang datung ay protection money para makapag-operate na hindi nagagambala. Mula  ito sa isang gambling lord, operator at financier ng namamayagpag na iligal na sugal sa lungsod ni Mayor Bistek Bautista.

Kung paano naging P2.5 million kada-buwan, ito ang suma ng ating informer: Kada-linggo, hinihingan ni ‘Rocky’ ang GL ng P189K kada-linggo, bukod ito sa 2% ‘share’ sa P3 million kada araw ng collection.

Sa isang linggo, ang  2% ni ‘Rocky’ sa P3M koleksyon ng GL kada-araw ay P60K x 7 (days). Ang total ay P420K, multiply mo ito sa 4 weeks plus P189K, ang suma total kada-buwan ay halos P2.5-M.

At ang bukambibig  ni ‘Rocky’ ay sa opisina ni QCPD Director C/Supt. Mario dela Vega sa Camp Karingal dinadala ang pera bilang  tongpats para ‘smooth’ ang operasyon ng pasugal ni GL.

Hindi natin sinasabi na para ito kay Dela Vega, pero sa mga pulis ng QCPD na malilikot ang isipan, sigurado kong laman ng kanilang utak ay para kanino ang pera at doon  iniaakyat sa director’s office?

Ibinulgar sa atin hindi para palawigin ang imahe ni Dela Vega bagkus baho at  mantsa natin itong matatawag sa kasalukuyang liderato ng QCPD.

Para mapawi ang bantot na umaalingasaw sa paligid ng Camp Karingal dulot  ng balitang ito, kailangang mag-order si Bistek ng truck-load ng disinfectant at  air-freshner para maalis ang masamang hangin sa kampo.

Unahing esprihan, ayon sa aking source, ang director’s office at pagkatapos ay isunod ang mga istasyon ng pulisya sa kalunsuran,

NCRPO at CIDG  na bumaho rin daw ang kapaligiran dahil sa duming nagmula kay Rocky.

Dahil, bukod daw kasi sa napakalaking tongpats na dinadala  ni Rocky sa opisina ni director, kada linggo ay bumi-bisita rin ito sa mga opisina sa itaas.

Hindi rin magpapahuli ang mga police station ng QCPD dahil kada linggo ay may P10K sila mula kay Rocky, bukod pa sa P15 na ipinadadala  sa Criminal Investigation and Detection Group kada linggo rin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply