Unang talo nalasap ng Magic

BUMIRA si Luol Deng ng 15 puntos sa second half upang suwagin ang 99-93 panalo kontra Orlando Magic sa nagaganap na 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season kaninang umaga.

Nagtulong sina Deng at Nate Robinson sa 15-2 run ng Bulls upang habulin ang limang puntos na lamang ng Magic at makaabante pa ng walo.

Tinarak ni Robinson ang isang layup may 2:35 minuto na lang ang natitirang oras sa final canto upang ilista ang biggest lead ng Chicago, 91-81.

Tumapos si Deng ng 23 puntos, walong rebounds at apat na assists habang 11 points, anim na assists at dalawang boards ang inambag ni Robinson.

Bumakas din si Joakim Noah ng 20 markers, nine rebounds at four assists habang tig 12 pts. ang kinamada nina Carlos Boozer at Taj Gibson upang ilista ang 3-1 win-loss slate ng Chicago.

Si Arron Afflalo ang nanguna sa Magic na may tinikadang 28 points, (19 sa second half.) habang si  E’Twaun Moore ay nagdagdag ng kanyang career-high 17 points.

May average na 25.5 points per game si Glen Davis subalit ngayon ay pumuntos lang siya ng 16bago na fouled out.

Tangan ng Magic ang 2-1 panalo talo karta.

Sa ibang resulta, tinambakan ng Oklahoma City Thunder ang Toronto Raptors, 108-88, tinalo naman ng Denver Nuggets ang Detroit Pistons sa score na 109-97.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply