UPDATE: 1 pang pagsabog naitala sa Maguindanao; 6 sugatan

NASUNDAN nang isa pang pagsabog ang unang ulat na pagsabog kaninang umaga na ikinasugat naman ng anim na katao sa kapwa lalawigan ng Maguindanao.

Nabatid na nagkaroon ng pagsabog sa Barangay Iganagampong, Datu Unsay na naganap makaraan lamang ang pagsabog sa Datu Saudi Ampatuan kaninang umaga.

Isa ring 81 millimeter mortar din ang ginawang improvised explosive device (IED) ang pinasabog sa Datu Unsay kaya pinaniniwalaan ng awtoridad na posibleng may koneksyon ang dalawang pagsabog at iisa lamang ang responsable dito.

Una nang nabalita kaninang alas-8:30 ng umaga na habang ikinakasa ang isang malaking thanksgiving affair para bukas ng umaga sa Shariff Aguak, sa Maguindanao, ay isang malakas na pagsabog sa Datu Piang ang naganap na ikinasugat ng isang mataas na opisyal ng Bangsamoro Islamic Liberation Movement (BIFM) at tatlong iba pa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply