UPDATE: 13 na patay sa lindol sa Myanmar

UMAKYAT na sa 13 katao ang namatay, habang 40 ang sugatan sa magnitude 6.8 na lindol sa Myanmar.

“Four labourers flung into the Irrawaddy river from a partly-built bridge near the town of Shwebo, north of Mandalay and nearer to the epicentre of the quake, were among those believed to have died,” bahagi ng situation report ng nabanggit na charity.

Nabatid na may bumagsak din na monasteryo sa Kyauk Myaung village na ikinamatay ng dalawang katao, anim naman ang binawian ng buhay sa Sint Ku nang mag-collapse ang isang minahan.

Unang inilagay ng US Geological Survey (USGS) ang lakas ng pagyanig sa lakas lamang na magnitude 6.6 at naitala sa layong 116 kilometro sa hilagang bahagi ng Mandalay City.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply