UPDATE: 6 sugatan sa pagsabog sa NBP

(UPDATED) ANIM ang nasugatan sa pagsabog na naganap sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City kaninang umaga.

Kasalukuyang nilalapatan ng lunas ang mga nasugatan sa ospital ng NBP na nabatid na pawang mga miyembro ng Batang City Jail.

Ayon kay Southern Police District (SPD) Director Benito Estipona, naganap ang pagsabog sa building 11 ng maximum compound ng NBP, kung saan nakapiit ang mga dating pulis at sundalong nasentensyahan.

Base sa narekober na safety pin, safety lever at shrapnel, nabatid na isang fragmentation grenade ang pinasabog ng hindi pinangalanang lalaki na ngayon ay hawak na ng awtoridad.

Kaugnay nito, sinuspinde ang pagdalaw sa mga preso ngayong araw.

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply