Update: 43 pamilya nasunugan ng bahay sa Cotabato City

NAABO ang kabahayan ng may 43 pamilya sa isang residential area sa Cotabato City nitong Miyerkules ng hapon.

Sa kanilang 6 a.m.na update, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na naganap ang sunog sa Manday/Campo Muslim area sa Barangay Bagua dakong alas 3:30 p.m.

“May 21 kabahayan ang natupok ng apoy at naapektuhan ang may 43 pamilya,” pahayag ng NDRRMC.

Dinala naman agad ang mga naapektuhang pamilya sa  Mother Barangay Bagua barangay hall at sa Mother Barangay Bagua Catholic Chapels.

Nakontrol ang sunog dakong 5:35 p.m., at naapula ito pasado alas at 8 p.m.

Nagdala naman agad ang Social welfare officials ng mga pagkain para sa mga naapektuhang pamilya.

Inaalam pa ng Arson investigators, kung ano ang naging sanhi ng sunog.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply