Update: 700,000 indibidwal, dumalaw sa Manila North Cemetery

PUMALO na sa halos isang milyon ang pumapasok upang bumisita sa mga puntod sa Manila North Cemetery.

Sa datos ng pulisya at pamunuan ng sementeryo, umabot na sa 700,000 ang dumadalaw sa sementeryo mula alas 5:00 hanggang alas 10:00 lamang ngayong umaga.

Puspusan naman ang inspeksyong isinasagawa ng mga awtoridad sa pagbuhos ng mga tao sa loob ng nasabing pampublikong sementeryo na itinuturing na pinakamalaking sementeryo sa bansa.

Tatlong gate na rin ang binuksan ng pamunuan ng Norte upang magsilbing daan ng mga dumadaalaw sa kanilang mga puntod kung saan pinatanggal na ang mga hagdanan na ginagamit na shortcut mula sa katabi at kabilang libingan, ang La Loma Cemetery.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply