Update: Mag-utol na pumatay sa UST graduate sa Cavite, natiklo

NALAMBAT na ng awtoridad kaninang madaling araw (Nobyembre 2) ang isang magkapatid na itinuturong pumatay at nagtangka pang gahasain ang isang University of Santo Tomas (UST) na cum laude graduate sa Cavite nitong nakaraang Miyerkules.

Sinabi ni Bacoor, Cavite police Chief Supt. Romano Cardino, na umamin na sa krimen ang suspect na si Rommel Gazeta, 27-anyos, pero isinasalba nito ang kanyang 24-anyos na kapatid na hindi pinangalanan alinsunod sa ikakasang interogasyon laban dito.

Bukod naman dito, inamin din ng magkapatid na Gazeta na pareho silang lulong sa ipinagbabawal na gamot.

Nahuli ang magkapatid dakong alas 5:30 ng madaling araw sa bahay nila sa Bacoor, Cavite matapos may lumutang na testigo na nagsabing nakita niya ang biktimang si Cyrish Magalang, 20-anyos na sumakay sa traysikel ni Gazeta noong Miyerkules ng gabi.

Bukod sa nasabing testigo ,malaki rin ang naitulong ng mga local tricycle drivers association sa paglutas sa pagpatay kay Magalang dahil sila ang humubog para makilala ang Gazeta brothers.

Nitong Huwebes ng 7:30 ng umaga, natagpuan ang bangkay ng biktima na tadtad ng saksak at nakatali ang kamay sa isang madamong lugar sa Barangay Gawaran heights, Bacoor.

Bagama’t nakababa ang underwear ni Magalang, lumabas naman sa awtopsiya na hindi ito nagahasa pero malamang na nanlaban itong maiigi kaya pinagsasasaksak ng isa sa Gazeta brothers ng 49 ulit sa iba’t ibang parte ng katawan.

Nagtapos na isang cum laude si Magalang sa UST na may kursong College of Tourism and Hospitality Management.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply