UPDATE: Naaksidenteng lady solon sa SLEX, okey na ang kondisyon

MAAYOS na ang kondisyon ni Agusan del Sur 1st Dist. Rep. Maria Valentina Plaza matapos sumemplang sa kanyang motorsiklo sa North bound lane ng Southern Luzon Expressway sa ilalim ng Skyway sa Taguig City kaninang alas-5:30 ng umaga.

Para naman makasiguro, isasailalim sa ct scan at x-ray ang mambabatas na kasalukuyang nilalapatan din ng  ilang medical procedures sa Makati Medical Center.

Ayon naman sa bodyguard ni Cong. Plaza na nakilalang si Mark Esparagosa na conscious naman ang mambabatas at wala namang ini-indang sakit subalit kinakailangan isailalim sa iba pang medical examination.

Batay naman kay Plaza, hindi nito na-iwasan ang isang bahagi ng kalsada na lubak-lubak dahil iniispalto ang daan.

Napag-alaman na bigong maglagay ng early warning device ang contractor ng skyway habang isina-saayos ang nasabing kalsada.

Hindi naman nabanggit kung magsasampa ng reklamo ang lady solon laban sa  nasabing contractor

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply