UPDATE: P.5M pinsala ng sunog sa Camp Crame

crame-fire

TINATAYANG umabot sa kalahating milyong piso (P500,000) ang pinsala sa sunog na naganap sa loob ng Camp Crame sa Quezon City kaninang umaga.

Ayon sa Bureau of Fire Protection ng nasabing lungsod, nagsimula ang apoy sa Base Police Section sa second floor hindi kalayuan sa Edsa main gate ng Camp Crame dakong alas-11:00 ng umaga kanina.

Dakong alas-11:20 ng umaga nang ganap na makontrol ang apoy at tuluyan itong naapula bandang alas-12:00 ng tanghali.

Ayon kay Fire officer Supt. Manuel Padejo, wala namang iniulat na nasawi o nasugatan sa pangyayari.

Sinabi naman ni QC Fire Marshall Sr. Supt. Bobby Baruelo, iniimbestigahan na ng mga arson investigator kung ano ang pinag-ugatan ng sunog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply