UPDATE: Pulitika motibo sa pagpatay sa negosyante sa Pasay

MALAKI ang hinala ng awtoridad na pulitika ang posibleng motibo sa pamamasalang sa isang negosyante sa Pasay City kaninang umaga.

Nabatid sa pagsisiyasat na ang biktima na kinilalang si Efren Abao, 42, nagde-deliver ng manok sa Pasay City Market and Mall, residente ng Ilang-Ilang St, ay isa sa campaign manager ng isang mataas na politiko sa Pasay City.

Lumalabas sa imbestigasyon na inabangan ang biktima ng tatlong suspek na armado ng kalibre .45 pistol para tapusin ang pagbibigay suporta nito sa mabigat na katunggali ng kasalukuyang politiko.

Nakuha sa pag-iingat ng biktima ang malaking halagang salapi at tseke sa halagang P11,000.

Batay sa imbestigasyon ang insidente ay naganap dakong 4:45 ng madaling araw habang nakaparada ang sasakyan ng negosyante na Mitshubishi L300 na may plakang 689 sa Galvez St., ng naturang lungsod.

Dalawa sa pahinante nito na kinilalang sina Ludegario Albao, 23, at isang Renel ang nasa loob ng sasakyan kasama ang biktima nang dumating ang tatlong hindi kilalang suspek na magkakaangkas sa isang motorsiklo.

Dalawa sa mga suspek na armado ng kalibre .45 ang bumaba at pinaulanan ng putok ang sasakyan na nagresulta sa pagkamatay ng biktima at malubhang pagkakasugat sa dalawang pahinante.

Ang mga suspek ay tumakas sa hindi malamang direksyon at dinala sa San juan de Dios Hospital ang mga sugatan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply