UPDATE: Suspek sa masaker sa Maynila patay na

life-line-dead

IDINEKLARANG patay dakong alas-12:15 ng tanghali ang barangay tanod na nasa likod ng pagmasaker sa isang mag-ina at kasambahay sa Yakal Street, Sta. Cruz, Maynila.

Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Justice Jose Abad Santos Medical Center (JJASMC) ang suspek na si Nestor Delizalde, Jr., 32, miyembro ng Sputnik gang, dahil sa tama ng baril sa noo.

Ayon sa Manila Police District (MPD), nagsasagawa sila ng follow-up operation nang mang-agaw umano ng baril si Delizalde.

Sinabi ni Insp. Joey de Ocampo, hepe ng MPD-Homicide Section, dakong alas-11:35 sakay ng mobile car ang suspek nang bigla nitong agawin ang baril ni PO3 Michael Pastor, ng DPIOU.

Dahil dito, napilitan ang mga pulis na barilin ang suspek sa pangambang makapatay pa ng pulis.

“Nagkaroon ng scuffle, ayun sa pag-aagawan nabaril siya sa noo,” ayon kay De Ocampo.

Magugunita na nitong Lunes ng madaling araw, Nobyembre 12, nilooban ni Delizalde ang bahay ng pamilya Tan at pinagpapatay ang mga ito.

Lumalabasa sa imbestigasyon na nakuha ng suspek sa loob ng bahay ng pamilya Tan ang P22,000 cash, tatlong cellphone at dalawang digital camera.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply