US Ambassabor Thomas sa mga Pinoy: Makibahagi sa eleksyon ng US

HINIKAYAT ng Ambassador ng Estados Unidos sa Pilipinas ang publiko na makibahagi sa gagawin nilang pagpili ng kanilang susunod na pangulo ng Amerika.

Ang kahalagahan ng paglahok sa election process sa Amerika na gaganapin sa Nobyembre 7, ay nais na ipamahagi ng US embassy sa bansa.

Ayon kay US Ambassador to the Philippines Harry K. Thomas, Jr., nais nilang makasama ang mga Pinoy sa selebrasyon ng makasaysayang araw sino man kina incumbent Pres. Barack Obama at dating Gov. Mitt Romney ang palaring manalo bilang susunod na Presidente ng Estados Unidos.

Sinabi pa ni Thomas na ang U.S. Election Watch 2012 ay gagawin sa isang mall sa North Edsa Quezon City, kung saan itatampok ang mock election, live updates sa election returns at election trivia.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply